2012/10/07

kakila-kilabot kong karanasan (unang pakita ng kalahating katawan)

hindi ko makakalimutan ang gabing iyon kung saan ako'y muntik ng sumakabilang-buhay sa sobrang takot na aking naranasan.

kasama ang aking mga estudyante, kami ay nagtungo sa bahay nila Ian upang doon na magpalipas ng madaling araw sapagkat katatapos lang ng pagdiriwang sa unibersidad (CAS night). binitbit na ng aking mga mahal na mag-aaral ang aking mga gamit...sana pati ako na rin dahil sobrang sakit na ng aking mga paa dahil sa suot kong sandals na kahit di naman kataasan ang takong ay pagod na rin kasing suot yon kasasayaw. napadako sa 7-11 upang makabili ng mga pagkain pagkatapos ay naglakad na ulit papuntang PNR site. hindi na ako makatiis sa sakit ng aking mga paa suot ang aking sandals kaya ito'y aking tinanggal. naglakad ng nakayapak patungo sa aming pupuntahan. sa daan nakita namin ang mga taong nagsisitulog na sa kalsada. muntik na akong tumabi. hahaha diresto lang ang lakad ng nakayapak, ako na ang pinakamagandang aling sa dagupan. ang ganda pa mandin ng aking kasuotan, muntik na rin akong rumaket sa gabing iyon. wahaha

nagsitahulan ang mga aso sa lugar na iyon. maya't maya ay nasa bungad na kami ng kanilang bahay kung saan napakadilim at walang katao-tao. nakapasok na din kami at nagkaroon na ng mga ilaw. walang tao pero animo'y sinalubong kami ng mga rebulto nagsikalat sa kanilang pamamahay. koleksyon daw iyon ng kanyang lolo na mahilig sa mga antigo.

kami ay nagsipaglamon at nagsipagkwentuhan. nakaramdam na ng antok ang iba kaya't kanya-kanyang tulog na. umakyat ang mga babae sa ikalawang palapag ng bahay. pinapaakyat ako upang doon na rin matulog dahil may aircon subalit hindi ko ginawa dahil na rin sa hindi ko binabalak matulog. bumaba ang iba kong mga estudyante mula sa ikalawang palapag ng bahay at sinabi sa aking nakakatakot daw sa taas dahil na rin sa mga rebultong naroroon na animo'y mangugusap kapag iyong pinagtuunan ng pansin at dahil sa nakabibinging katahimikan. ang sabi ko na lang, wlang dapat katakutan dahil wala naman. ako lang dapat ang katakutan dahil ako ang kanilang sinasambang diyos.

sa kadahilanang iyan, ako'y nagkaroon ng kuryosidad na tingnan kung anong hitsura ng ikalawang palapag ng bahay na puno ng mga antigo at rebulto. sa pagtapak ko sa ikatlong baitang ng hagdanan, nakaramdam na ako ng kakaiba. hindi ko mawari kung ano nga ba iyon subalit sa aking hinuha ay dulot lamang iyon ng dilim na bumabalot sa hagdanan papunta sa itaas ng bahay. tinuloy ko pa rin ang pag-akyat sa hagdan ng dahan-dahan kahit wala talaga akong makita sa sobrang dilim. pinapakiramdaman ko na lang kung saan naroon ang mga baitang na aking tatapakan habang nakahawak rin sa hawakan ng hagdanan.

malapit na ako sa huling baitang ng hagdan ng biglang masinagan ko ang liwanag sa kanang dulo ng ikalawang palapag dahil bumukas ang pinto ng kwarto ngunit bigla ring sumara. sa napakaikling sandaling yon na sa wari ko'y dalawang segundo lang, naaninag ko ang mga rebulto malapit sa kwartong iyon. di na ako nagsalita. tinuloy ko ang paghakbang sa dilim, kinakapa ang hawakan ng hagdan at sa wakas nakatapak na rin ang aking kaliwang paa sa ikalawang palapag ng bahay.

pinipilt ko pa ring may makita subalit wala talaga. napakadilim ng paligid na parang pag nakapikit ka. subalit ang aking mga mata'y dilat na dilat na tumitingin sa kawalan ng dilim. kakaiba ang aking pakiramdam sa lugar na iyon at ninais ko ng bumaba para maghanap ng makakasama na lang sa pag-akyat. subalit di ko nagawang bumaba dahil may naaninag akong kulay puti sa malapit sa hagdan na nakaharang sa aking daraanan. tinitigan ko ito, sinabi sa aking sarili, sa aking isip lamang..."ano kaya ito? vase ba na kulay puti at isa sa mga antigong koleksyon ng lolo ni ian? bakit nasa gitna naman at haharang sa daan?"

nagsimula ng lumakas ang tibok ng aking puso ng mawari kong hugis tao. hindi pugot ulo ito, kundi kalahating katawan ng tao! baywang pababa na kulay puti!!!!!

hindi ko alam kong ano ang aking gagawin. frozen in darkness, i cannot move. kalahating tao talaga ito. totoo ata ang mga manananggal na white lady ba o anuman ito! delikado kami ng mga estudyante ko.

bigla itong gumalaw at papalapit sa akin kaya't ako'y nabalot ng takot at bigla ko na lang nasambit ng dahan-dahan at palakas ng palakas...
"waaah....waaaah.....waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!". sabay karipas ng baba ng hagdan, muntik ko ng talunin subalit mahirap dahil parang ako'y malulupasay. nadulas-dulas pa ako sa kamamadaling bumaba, muntik pang ma-outbalanced at tuluyang masubsob sa hagdan.

nagtaka ang aking mga estudyante sa baba, napayakap na lamang ako sa barkada ni jorlan na nakisama sa amin. hindi ko alam kong paano sasabihin sa kanila ang aking nakita. "may nakita ka mam noh?"...

"tubig! di ako makahinga!" para akong pipi magsalita. umupo sa upuan saka biglang may bumaba ng hagdan.

"bakit ma'am? nakita mo lang ako bigla kang tumakbo pababa?".....

biglang bumagal ang pintig ng aking puso. bumalik sa katinuan. "ha???????? ikaw yon oscar??????? what???????????? walangya ka!!!!!!! akala ko kalahating tao na!!!!! ataktakot ak!!!!! badtrip ka... mamatay ka na!!!!" sabay bato ko ng lotion sa kanya!

wahahahahahahahahahahhahahhaahahhhahhahahah.....! di matapos ang aming pagtawa. gumugulong na ang iba sa sahig katatawa.

sobrang tawa naming lahat... akala ko multo na, kalahating tao pa. agi, gumalaw. lumalapit sakin ay. anong akala kong siya un? di man lang nagsalita ay. walangya talaga. agi gatgrabe. ataktakot ak! akala ko kalahating tao na lalapit sakin. hay. grabe. kayo kaya yon... imagine! tindi! gala gala anghel na bantay nen vivian!

pero etong si oscar sobrang pagtataka pa talaga kung bakit daw di ako tumuloy paglakad. bigla lang tumigil at biglang nagsisigaw. wala siyang kamalay-malay na napagkamalan ko siyang multo! wahahaha takang-taka ang baliw na si oscar!

bakit kasi ang itim mo, nakablack long sleeves ka pa tapos white pants! malamang wala akong makikita sa taas ta sobrang dilim kundi ung white pants mo lang! wahahah sabi ni jorlan, pano pa kaya pag ngumiti bigla si oscar???? baka inatake na ako kasi may lumulutang na ngipin! wahahahahahhaha

hindi na ako natuluyan dahil sa takot. muntik na akong mamatay kakatawa. "tama na ma'am..sakit na ng tiyan namin!" wahahahahaha
"tama na nga kasi! aatakihin na'ko. tubig!!!!" wahahhahah sumakit ng todo tiyan ko pati puso ko. napagod pa katatawa. ;p

hanggang ngayon, napapatawa ako pag naaalala ko ang pangyayaring iyon.. 2 oras na akong nagkukuwento nito dahil patigil-tigil katatawa. di ko ma-imagine sarili kong sumisigaw ng dahan-dahan at palakas ng palakas na akala mo'y nirirape daw. mga praning!!!! alam mo bang first time ko sana yon na maka-experience ng kagimbal-gimbal, kakila-kilabot, kahindik-hindik na pangyayari. talagang run for your life ako!!!!! karipas sa madilim na hagdan, nakacocktail pa rin, akatkarunyas akni matakbuhan lang ang kalahating katawan na iyon na papalapit sa'kin..

samantalang naiimagine ko ang hitsura ni oscar na takang-taka dahil bigla akong nagwala ng magkasalubong kami sa ikalawang palapag ng bahay. wahahahahahha

ung mga nasa labas ng bahay na nanood ng insiduous, walang kwentang horror movie yan kumpara sa true to life experience ko! wahahahahahhahah

amen. XD

No comments:

Post a Comment

Translate